Thursday, 3 November 2011

Pinoy, Paano Ka Na Ngayon

PINOY PAANO KA NA NGAYON?
BY Lito Nucum


“NOW, THEREFORE, the POEA Governing Board RESOLVES, AT IS HEREBY RESOLVED, to stop the deployment of OFWs to the above-mentioned countries for non-compliance with the guarantees required under RA 10022”

Inilabas na nga ang POEA GB Resolution No.7, Series 2011 at tinukoy dito ang 41 bansang hindi pa nakapag-comply sa  Rule III of RA 10022. 

Ito nga kaya ang tamang kasagutan para mailayo sa ibayong dusa ang isang Pilipino na nais makipag-sapalaran sa ibang bansa? Mapa -Afghanistan, Iraq, Libya, Lebanon, Kuwait, Saudi Arabia man ito, bakit pilit pa rin ang Pinoy na umalis at suungin ano man ang panganib na maaring naghihintay sa kanya sa mga bansang naturan o sa mga iba pang bansa na “non-compliant” pa daw sa Rule III, ng RA 10022? 

Ang alam ko, karapatan ng bawa’t Pilipino ang maghanap-buhay maski saan mang lupalop ng mundo. When the state failed to provide its own people of sustainable employment,  tutunganga na lang ba si Itay at Inay at tingnang nakangiti ang isang katerbang mga anak habang tirik ang mata at nakanganga ang bibig sa gutom?

SURVIVAL, buhay ng buong pamilyang Pinoy ang nakataya dito kung kaya’t kinakalampag natin ang damdamin ng gobyerno “NOT TO IMPOSE DEPLOYMENT BAN” saan mang bansa.

Alam kong nare-realize ng ating gobyerno ang kakulangan ng sapat na pagkakataon sa ating bansa na magkaroon ng magandang hanap-buhay.    Kaya nga maski na labag sa Section 5 ng RA 10022 “… shall allow the deployment only of skilled Filipino workers”   libu-libo pa ring ineng, ate, nanay, tita at lola ang pilit na nagsusumiksik sa mga bansang talamak ang pang-aabuso.  Ano sa palagay ng gobyerno natin, maki-kichismis sila doon, makikipag-kareoke lang.   Gising…… kailangan nilang mabuhay ng marangal. 

Marami dyan sa atin sa gobyerno ang de-kotse, magandang bahay sa Forbes, Dasma o kaya Alabang, mga anak Ateneo, UP, La Salle, signature ang mga kasuotan, smartphones, pa Belo-belo pa.  Well, after all madali lang naman sabihin “Lord, I am not worthy to receive you but only to say the word and I shall be healed”.    Until next kumpisal ulit.  Tapos gusto pa nilang hawakan ang ating buhay, ang ating kinabukasan. 

Anyway, mabalik ako sa punto ng ating pinag-uusapan.

Narito ang ilang bahagi ng nabasa kong lathala na sinulat ni LBG, GMA News.

“DOLE Secretary Baldoz said the ban will affect “a little over 200” OFWs, who she said can avail of the government’s intrgration program if they wish to return home”.

“Earlier Wednesday the POEA ordered a deployment ban on 41 countries for the lack of guarantees ensuring the welfare of overseas Filipino workers”.

“… she said many of the OFWs deployed to the 41 countries are employed by globally operated companies and are not covered by the deployment ban”.


Nagtatanong lang ako kung saan nakuha ng Kagalang-galang na DOLE Secretary yung “a little over 200”.  Baka ikako typo-error lang ito at nakulangan lang ng dalawang zero.  Kasi ayon sa pananaliksik ko sa datos ng POEA, merong 21,948 (see attached table) ang landbased OFWs ang legal na nagta-trabaho sa mga naturang bansa.   Unang-una sa listahan ang Libya na kung saan mahigit 11,000 dakilang kababayan ang nandoon na kahit na may giyera ay pinili ng karamihan na hindi muna umuwi.  

Salamat naman kung “a little over 200” lang ang apektado sa ban sa 41 countries na ito na ang ibig sabihin yung mga 21,700 nating kababayan ay nagta-trabaho sa “globally operated companies” kaya hindi sila covered ng deployment ban.  Pero ganito kaya ang magiging pananaw ng mga taga BI.  Eh, walang hinihintay ang mga kapatid dyan sa BI kung hindi ang mga ganitong Resolution at iba pang government orders na siyang nagiging sanhi ng lalong pasakit sa Pinoy na gustong mag-hanap buhay sa abroad.    Sa mga taga BI, ginto ang mga bansang naturan oras na naging epektibo na ang GB R#7. 

Tiyak ko marami sa ating mga kababayan na nagta-trabaho sa naturang mga bansa ay mag-aatubiling mag-bakasyon sa pangambang hindi na makabalik sa bansang siyang kumakalinga’t nagbigay ng hanap-buhay sa kanila.  Paano na?  “Inday, sorry Ma, e-explain mo na lang sa mga bata kung bakit hindi tayo magkakasama sa paskong ito.  Merry Christmas.  I love you all very much at God bless, ingat”.

Tulad nating taga – Nigeria. Marami sa atin ang naging biktima ng “deployment ban”.  Isa na ako doon.  Kaya naman malakas ang loob kung maglabas ng aking saloobin. At malakas na sumisigaw pa ring nananawagan ‘ALISIN ANG DEPLOYMENT BAN”, or else isa naman malaking katanungan ang bubulaga sa atin.  PINOY PAANO KA NA NGAYON? Lalo na kung aanga-anga ka sa iyong karapatang pang-tao. 

Pasalamat talaga ako sa Panginoong Diyos at nandyan sina butihing Ellene Sana at Karen Gomez Dumpit at ang dating Human Rights Commissioner na si Gng. Leila De Lima  na ngayon ay Secretary  ng Department of Justice.  Sa tulong nila ay nagkaroon ako ng ibayong lakas ng ako’y maharang sa Immigration dahil ayaw kong makisabay sa laban.     Ibinigay ang tunay sa serbisyong pinoy at ginawa ang daang matuwid pero naging bingi ang Immigration.  Higit ang bisa ng pinag-sama- samang kulay ubeng papel.  Walang nagawa ang prinsipyo ko sa kinabukasan ng mga anak ko.  SURVIVAL na talaga ang usapan.

Tungkol sa partial deployment dito sa Nigeria hindi rin talaga dapat.  Kasi maliwang ang nasasaad sa Section 6 RA 10022.  Termination or Ban on Deployment, which states “notwithstanding the provisions of Sections 1 and 5 of this Rule, in  pursuit of the national interest or when public welfare so requires, the POEA Governing Board, after consultation with the DFA, at any time, terminate or impose a ban on the deployment of migrant workers”. 

Eh ano bang national interest at public welfare ang apektado para magkaroon ng ban sa isang bansa na compliant na nga, tulad ng bansang Nigeria na siyang nagbigay - buhay sa ating mga pangarap na hindi nagawa ng ating sariling bansa.  Tapos mag-iimpose pa ng ban.,  Ito ba ang isusukli sa bansang kumupkop sa atin.  Ang hiyain siya sa buong mundo.  Talipandas at walang utang na loob ang ating gobyerno.  Sa halip na salamat ay sampal ang igaganti.  Napakasakit Kuya Eddie.

Susunod na issue, ang OWWA Membership Funds.  Pera ng OFWs ito kaya’t dapat tayong maki-alam.
 _________________________________________http://thefilipinomigrants.blogspot.com
OFWs THAT MIGHT BE LOSING THEIR RIGHT OF LIVELIHOOD & THEIR RIGHT TO TRAVEL
DUE TO POEA'S GOVERNING BOARD RESOLUTION NO. 7, SERIES 2011, SGD ON 28.10. 2011
Controlled & Disseminated on Nov. 02, 2011, but shall take effect 15 days after publication in 2 newspapers of general circulation  
The 41 countries hereunder mentioned "NON-COMPLIANT WITH THE GUARANTEES UNDER RULE III, RA 10022









POEA 2010 Statistic only



No. Country / Trust Territory Deployed Landbased OFWs










1 Afghanistan 21



2 Antigua and Barbuda 10



3 Barbados 21



4 Cambodia 1,499



5 Cayman Islands 929



6 Chad 807



7 Croatia 33



8 Cuba 555



9 North Korea 0



10 Dominica 0



11 East Timor / Timor Leste 1,208



12 Eritrea 26



13 Haiti 153



14 India 842



15 Iraq 0



16 Kyrgyzstan 25



17 Lebanon 1,327



18 Lesotho 43



19 Libya 11,604



20 Mali 145



21 Mauritania 67



22 Montenegro 5



23 Mozambique 568



24 Nauru 10



25 Nepal 10



26 Niger 0



27 Pakistan 383



28 Palestine 0



29 Serbia 3



30 St. Kitss & Nevis 4



31 St. Lucia 3



32 St. Vincent & the Grenadines 8



33 Sudan 1,441



34 Swaziland 49



35 Tajikistan 3



36 Tonga 6



37 Turks & Caicos 0



38 Tuvalu 0



39 US Virgin Islands 82



40 Vanuatu 39



41 Zimbabwe 19











Total Deployed OFWs  21,948




as per POEA records

















And I quote/unquote  important aspect of the said resolution



"NOW, THEREFORE, the POEA Governing Board RESOLVES, AS IT IS HEREBY RESOLVED, to stop
the deployment of OFWs to the above-mentioned countries for non-compliance with the

guarantees of RA 10022."





5 comments:

  1. Hernandez, John John.Hernandez@julius-berger.com
    8:07 AM (1 hour ago)
    Napakagandang sulat at testimonial mula kay ginoong Lito Nucum.
    Mabuhay ka! Mabuhay ang The Migrants! Mabuhay ang Naija Pinoys!

    ALISIN NG TULUYAN ANG DEPLOYMENT BAN SA BANSANG NIGERIA.

    Maraming Salamat.

    ReplyDelete
  2. Dorothy.Barraquias@dfa.ie
    Sent: Friday, November 04, 2011 9:01 AM
    Thank you very much to Lito….this should be sent to all the Filipinos here in Nigeria for their info. KUDOS!!! God bless.

    otie

    ReplyDelete
  3. nonitosb@yahoo.com
    Sent: Friday, November 04, 2011 9:30 AM
    "Wisdom is divine. Wisdom starts with the fear of the Lord. Ecclesiatesconcludes that all things are vanity except the fear of the Lord and observance of His Commandments and that God requits man in His own good time." (Source: From the Wisdom Books of the Bible)
    We pray for the wisdom of our Government officials and the activists and non-activists and the rest. Thank you, Lord

    ReplyDelete
  4. I hope makatulong ito sa problema natin. I have given up on our government a long time ago. This DOLE Secretary who said there are about 200 people who would be affected is a moron and should step down from his office. It is clear that he does not know what he is saying, what kind of secretary of labour and employment is he? If we are being led by these kind of people, then we are doomed as country..

    ReplyDelete
  5. 2011/11/4 Mr prospero naoe

    Dear All,

    Thank you, ang comment ko lang eh, paano na nga ba ang mga pinoys na madidislocate dahil sa resolution na ito?
    Mayroon bang nakahandang solusyon ang gobyerno para dito?

    Salamat po

    Pros

    ReplyDelete