Thursday 22 November 2012

Abuja Baranggay Cinema Part 2



PPA Abuja Drive-In Movie




Isa na namang matagumpay na pagtitipon ng mga OFWS ang ginanap sa bakuran ng embahada ng Pilipinas nuong nakaraang Sabado ng gabi – ika- labimpito ng Nobyembre sa ganap na ika-pito ng gabi. Ito ay ang pagpapalabas ng  pelikulang Tagalog na kinasasabikan din namang mapanuod ng mga manggagawa dito sa Abuja.
At dobol program pa sa halagang N500 lamang. Ang pagkain ay itinitinda din ng samahang Pusong Pinoy. Nakalulugod pagmasdan ang mga masasayang pagtitipong ito ng mga OFWS. At higit na nakatutuwa ang pagtutulungan ng mga pinuno ng Pusong-Pinoy na alam na alam ang dapat gawin mula sa pag hahanda ng lugar hanggang sa pagtatapos.  
At tulad ng dati ang samahang Pusong Pinoy na pinamumunuan ni John Hernandez katuwang ang mga opisyales na sina Sheen, Andrea, Sherwin, James, Mercy at Gel  ay muling ipinakita na sa pagtutulong-tulong at mabuting pakikisama nagkakaroon ng pagkakaisa - at pagsasaya para sa lahat.


...drive-in movie - back in town!


Makikita sa larawan sina Sherwin, John, Gel, Efren at si Rex na inaayos ang projector para sa magandang pagpapalabas ng pelikula.


...operators making sure there's no hitch...














...Birthday ni Densyu...


At naging mabili naman ang paninda ng mga pamunuan ng samahang Pinoy. Si Mercy at si Dennis ang naatasang taga-benta ng mga pagkain.

...filling the tank for a long haul - two movies kaya!...Mercy and Ernel; Maebs, Rex; Jabar, Espy




...Ness, Nonits, Otie, Rami; Lee, Vernie; Marlyn, Jun among others in preparation for the films
...Showing: Asiong Salonga: intently watching for any 'aberya' in the sound or in the picture...Sherwin and Gel and Rex, Maebs


Ang palabas:  Multi-awarded film Asiong Salonga doubled with a Vilma Santos starrer The Healing. May mga biruan at kantyawan pa habang ipinalalabas ang Asiong Salonga lalo na ang pagiging ‘tsik boy’ ni Asiong.


...ang mga OFWS na maligayang nanunuod: sina  Janice, Clifford, Espy, Jun, Amy, Monet atbp...
Marlyn, Jun Robles, Emma, Rose, Lita, Evelyn, Paula, Rickson and Emie


At habang isinasalang ang pangalawang pelikula – isa munang patalastas! Ayan buong pagmamalaking inilalahad ni Dennis, ni Mercy at ni Sheen ang popcorn …'POP CORN POP CORN POP CORN mabibili sa halagang N500 lamang! Magsibili na kayo at baka kayo'y maubusan. Iisa na lamang ito!


Dennis, Mercy and Sheen; Rex, Sherwin and John; habang  nag-uusap sa telepono ang mag-pinsang si Maebs at si Gel (ayun sila magkatabi sa upuan!)
Emma, Rose and Lita; James, Evelyn; Jun, Amy....


And as the lights went out…
Nakakatuwang makita ang agarang pagtulong ng mga pamunuan at ng kanilang mga kaibigan sa pagliligpit upang lahat ay sabay-sabay na makauwi.
...nililinis ang mga basurang nakakalat...



Ano ang masasabi ninyo sa palabas?

Iisa ang kasagutan ng mga nanuod: 
'Maganda.' 
'Okey na Okey.' (kahit si Efren eh umalis nuong horror na ang palabas!)


Maligayang lumalabas ng 'sinehan' ang mga nanuod: Okey ang palabas! Maris with Clifford; Ef and Ness and Rami; Otie
...naghihintay pa ng mga sundo...medyo nakatulog ang mga drivers...
...pinag - uusapan pa ang pelikula: si Sheda at si Sean ...ooooppps na-hacked ang retrato ni Andrea - nakasama ata sa pelikulang The Healing; si Densyu, si Maris at si TJ
...clearing the table - LAHAT! walang natira maski magtanong pa kay Sheen at kay Mercy....
...tulong-tulong pa rin sa pagliligpit: si TJ na panay ang porma, si Alan, si Sherwin, si Rex, si John, si Vernie, si Sheen at si Doods
...masaya pa rin kahit pagod. Iyan ang balikatan at pagsasamahan - walang iwanan! nasa larawan si Gel, John, Rex, Marissa; Alan, Dennis, Marissa, TJ, Sherwin, Mercy at Vernie.