Isang Araw ng Linggo sa Buhay ng mga Manggagawang Filipino sa Abuja
It was a sweet and nostalgic day, this being a dry-run on
one of the projects of Pusong Pinoy Association's new president, John Hernandez. Temporal
and spiritual upliftment, reaching out as well as social and cultural challenges
normally encountered by OFWS.
There were some sharing of events experienced here in Nigeria, current and most relevant issues affecting us, the workers.
Then the doorbell rang. Our favorite person.
Sr. Efling’s arrival is always like a breeze (more like a thunderstorm,’ata).
She brings laughter and happy mood.
Sr. Eflaida Catipon is one of the best –loved Filipino both in
the international and local communities here in Abuja and the suburbs.
The Embassy of The Holy See had granted her a free day, and
of course she chose Sunday. Immediately
after the Sunday Mass, she summons Apollo (not of the Greek mythology fame) but
her collaborator as in… driver. And as from 11:30 upwards, she stays and regales
us with stories. This Sunday is no
different.
Sr. Efling’s topic?
Her life’s love story!
Sr. Efling: Naku katatapos ko laang ng retreat. No talk ako for one week. Kaya sign language lamang ako. Maski sa mga katulong namin sa Nunciature, sinabi ko na agad na wag akong kakausapin at isusulat na lamang ang sasabihin.
Kaya ayun, sabi ni Msgr. John, sige salita na at napakatahimik naman dito. Kahapon nga (Sabado) hindi ako mapigil sa pagbati sa mga tao. Sayang-saya ko baga.
John: Sister, paano ka bagang naging madre?
All: syanga, syanga. Paano nga ba?
Sr. Efling: ‘Aba! I was just like everybody else – meron din
akong naging boyfriend. (Medyo me irap pang
kasama). Naku alam nyo naman ang mga
babae, kapag nakikitang maasikaso at maalalahanin ang lalaki nahuhulog agad ang
kalooban. And the fact na gustong-gusto ako ng family nya, syempre, masaya ako.
And then bigla akong pumasok ng kumbento. And most of the
times pinupuntahan ako sa kumbento to see if I’m okey. And then pag birthday
ko, tatanungin pa ako kung ano ang gusto ko. So, mag oorder naman ako ng mga
paborito kung pagkain at sya naman ay magdadala para sa mga kasamahan ko pati. Masaya
kami sa kumbento. Tinutukso pa nga ako, eh lalo na pag merong dalang pagkain. Kasi
pinaaalis ko na sya agad. At ang sabi ng
mga ka madrehan ay kaya ko daw laang pinaaalis ay dahil gusto ko nang kumain.
Vanz: Sister, tanong lang, ha? Ganyan ka na ka –healthy nuon?
Sr. Efling: ang sabi naman nya ay malusog ako. Hi hi hi.
Vanz: Sister sabi nung pamangkin ni Nanay na si Sr. Paulina,
dati nga daw ang taas taas pa ng mga heels ng shoes mo. Stiletto. Ang hilig mo daw sa sayawan. Saka talagang sosyal ka
daw.
Sr. Efling: Aba oo naman. At mahilig ako sa pabango. Gustong-gusto ko pa nga ang ninuko. Pero ngayon pag gusto ko maglagay ng pamango nagsasabi pa ako kay superyora ko.
All: kaya pala nuong isang sabado lahat na ng tao naibulong mo na na nagpabango ka....ha ha ha ha
Sr. Efling: Ang mas mahirap nuong nobisyada na ako. Then one
year na nasa labas muna. Akala nga nya at saka ng pamilya nya magkakabalikan kami. Akala ko din! But then I realized
at sa tulong ng aking superyora na si Sr. Marilou, na talagang ang pag mamadre
ang aking bokasyon.
All: Na mi miss mo sya?
Sr. Efling: Naaala-ala ko minsan. Pero yong emotionally involved
feeling, wala na iyon. Dinalaw ko ang kanyang pamilya and I am like a real
family to them.
And here of course, dito, tayo lahat ay isang pamilya.
Sr. Eflaida |
Sr. Eflaida in session...audience spellbound! |
React agad sa kwento ni Sr. Efling...miss mo sya? |
She regales us with her delightful escapades - parang Sister Act |
...nag e emote pa sya ng conflicting emotions! talagang close encounter of the third kind...'kaya pala nanatili akong pure, para pala ako sa simbahan at sa Panginoon... |
...and we love her as she is... |
And then: 'Apollo, hoy Apollo, please carry this palmera plant. Vangie, akin na laang ito at dadalhin ko sa Nunciature. Ilalagay ko sa me harapan ng simbahan.'
No comments:
Post a Comment